Saturday, July 22, 2017

K-12

Ang programang K-12 ay nilagdaan ni dating pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Cojuanco Aquino III sa Pilipinas noong taong 2012. “K” na ang ibig sabihin ay kindergarten at 12 na sumisimbolo ng dalawampung taon ng beysik na edukasyon. Anim na taon sa elementarya, apat na taon naman sa junior high school at dalawang taon sa senior high school. Ito ay naglalayon na baguhin ang sistema ng edukasyon sa Pilipinas sapagkat ayon sa kagawaran ng edukasyon “Ang Pilipinas ay huling bansa sa Asya at tatlo na lamang ang bansang natitira na may makalumang antas ng edukasyon sa buong mundo”. Ito ay hakbang ng gobyerno upang makasiguro na ang bawat mag-aaral ay kayang makipagsabayan at mahasa ang kaalaman na kanilang magagamit sa pagta-trabaho sa Pilipinas at maging sa ibang bansa.

ANO ANG STEM?


Ang STEM ay nangangahulugang “Science, Technology, Engineering and Mathematics”. Ito ay isang programa pang edukasyon na naghahanda sa mga senior high school sa daan patungong kolehiyo. Sa karagdagan, ang mga paksang  pinag-aaralan ay naglalayong mapayaman ang kaalaman sa makatwirang pag-iisip at kasanayan sa pakikipagtulungan.



KAHALAGAHAN NG STEM


Ano nga ba ang kahalagahan ng STEM? Ang strand na STEM ay karaniwang kinukuha ng mga estudyanteng nagbabalak kumuha ng kursong may kaugnayan sa medisina, arkitekto, at inhinyero. Ang mga  nabanggit na kurso ay may malaking kontribusyon sa ating bansa. Ito rin ay pag-unawa sa mga pang-agham at proseso na kinakailangan para sa mga personal na paggawa ng desisyon at pagsali sa mga kulturang gawain, at produktibong ekonomiya.



KALAMANGAN NG STEM SA IBANG STRAND


Ang STEM strand ay maituturing na nakahihigit dahil sa lawak ng mga kursong sakop nito.Ang STEM ay nagbibigay ng maraming oportunidad at iba’t-ibang trabaho dahil ito ang strand kung saan ang mga mag-aaral ay nahuhubog upang mas mahasa ang kakayahan sa pagsabak sa kolehiyo.Ang karaniwang pokus nito ay agham at matematika na pinaniniwalaang mahirap na asignatura.Ang pag-aaral na ito ay huhubog ng mga kakayahan ng isang mag-aaral  na suriin ang isang simple hanggang kumplikadong suliranin sa lipunan at aktibo sa  pagtalakay ng mga solusyon sa  pamamagitan ng aplikasyon at pagsasama ng pang-agham, teknolohikal, pag-iinhinyero, at matematika na mga konsepto.



OPURTUNIDAD SA TRABAHO

            Ang STEM ay nagbibigay ng oportunidad sa isang mag-aaral upang makahanap ng magandang trabaho. Ito ay magandang propesyon na tumutulong sa pag-angat ng ekonomiya sapagkat ayon kay Paulyn Rosell Ubial 2017 ang ating bansa ay may kakulangan sa bilang ng mga doktor. Ang mga trabaho na maaaring pasukan ng isang mag-aaral na nakapagtapos ng STEM ay ang mga sumusunod:
 Aerospace Engineers
·         Agricultural and Food Science Technicians                                                
·         Anthropologists and Archeologists
·         Applications Software Developers
·         Architectural and Civil Drafters
·         Architectural and Engineering Managers
·         Archivists
·         Astronomers
·         Atmospheric and Space Scientists
·         Biochemical Engineers
·         Biochemists and Biophysicists
·         Bioinformatics Scientists
·         Bioinformatics Technicians
·         Biological Technicians
·         Biomedical Engineers
·         Biostatisticians
·         Cartographers and Photogrammetrists
·         Chemical Engineers
·         Chemical Technicians
·         Chemists 
·         Civil Engineers
·         Clinical Research Coordinators
·         College Architecture Teachers
·         College Atmospheric and Space Science Teachers
·         College Biological Science Teachers
·         College Chemistry Teachers
·         College Cultural Studies Teachers
·         College Economics Teachers
·         College Engineering Teachers
·         College Geography Teachers
·         College Health Specialties Teachers
·         College History Teachers
·         College Mathematical Science Teachers
·         College Philosophy and Religion Teachers
·         College Physics Teachers
·         College Political Science Teachers
·         College Vocational Education Teachers
·         Computer Hardware Engineers
·         Computer Programmers
·         Computer User Support Specialists
·         Computer and Information Scientists
·         Conservation Scientists
·         Cost Estimators
·         Curators
·         Dietetic Technicians
·         Dietitians and Nutritionists
·         Economists
·         Electrical Engineering Technologists
·         Electrical Engineers
·         Electrical and Electronic Engineering Technicians
·         Electrical and Electronics Drafters
·         Electro-Mechanical Technicians
·         Electromechanical Engineering Technologists
·         Electronics Engineering Technologists
·         Energy Engineers
·         Environmental Engineers
·         Environmental Scientists
·         Epidemiologists
·         Family and General Practitioners
·         Fuel Cell Technicians
·         Geneticists
·         Geographers
·         Geographic Information Systems Technicians
·         Geoscientists
·         Geospatial Information Scientists and Technologists
·         Health and Safety Engineers
·         Historians
·         Hydrologists
·         Industrial Engineering Technicians
·         Industrial Engineering Technologists
·         Manufacturing Engineering Technologists
·         Manufacturing Engineers
·         Marine Engineers and Naval Architects
·         Market Research Analysts
·         Materials Engineers
·         Materials Scientists
·         Mathematical Technicians
·         Mathematicians
·         Mechanical Engineering Technologists
·         Mechanical Engineers
·         Mechatronics Engineers
·         Medical Scientists
·         Microbiologists
·         Microsystems Engineers
·         Mining and Geological Engineers
·         Molecular and Cellular Biologists
·         Museum Technicians and Conservators
·         Nano systems Engineers
·         Nanotechnology Engineering Technicians
·         Nanotechnology Engineering Technologists
·         Natural Sciences Managers
·         Non-Destructive Testing Specialists
·         Nuclear Engineers
·         Nuclear Technicians
·         Park Naturalists
·         Petroleum Engineers
·         Photonics Engineers
·         Physicists
·         Political Scientists
·         Quality Control Analysts
·         Remote Sensing Scientists and Technologists
·         Remote Sensing Technicians
·         Robotics Engineers
·         Social Science Research Assistants
·         Sociologists
·         Solar Energy Systems Engineers
·         Statisticians
·         Survey Researchers
·         Surveying and Mapping Technicians
·         Technical Writers
·         Validation Engineers
·         Wind Energy Engineers.
·         Zoologists and Wildlife Biologists 


MGA KARANASAN NG MGA MAG-AARAL NG STEM


Natutuhan kong maging mas open dahil sa pakikisalamuha sa iba’t ibang tao. Naging mas flexible ako dahil kinakailangan kong maibalanse ang lahat ng gawain bilang isang estudyante. Sa simula,nahirapan ako dahil nabobother ako sa tambak na gawain na dapat kong gawin. Minsan ginagawa ko yung mga activities kung kalian deadline dahil sa dami nga ng ginagawa. Ang pagcacramming ay isang malaking ekis sa mundo ng Senior High, hangga’t maari iwasan niyo ito. May ilan akong guro na ituturo lang yung mga aralin pagkatapos bahala ka na kung naintndihan mo o hindi yung tinuro niya. Di niya uli ituturo dahil sa mga dahilan na mahuhuli siya sa lesson plan o dapat alam mo na ‘yan dahil Senior High ka na. Ang aking ginawa ay naghahanap ako ng mga halimbawa na katulad sa aralin na ituturo ng aming guro upang lubos kong maunawaan ang lesson. Maging handa ka sa sa sandamakmak na math equations at scientific processes na kailangan mong aralin lalo na ang research na nagpastress at nagpakaba sa amin dahil sa ginawa naming defense.Dapat maging matapang ka na ipahayag ang iyong saloobin at gawin yung mga ipapagawa sayo. Kung gusto mong maabot yung mga goals mo dapat maghirap ka muna at magpursige. Para sa akin ang Senior High School ang pinaka masayang parte ng aking high school life subalit ito rin ang pinaka stressful. Kung may maipapayo man ako sa inyo dapat may kapangyarihan kayo na magdesisyon para sa sarili niyo. Huwag niyong hayaan na idikta ng iyong pamilya o mga kaibigan kung ano ang dapat mong piliin na strand. Piliin mo kung ano yung gusto mo dahil ikaw lang may kakayahan na alamin kung ano ang gusto mong maging destinasyon ng buhay mo.”
-       -Rowell Andrei Regalado Gr.12 STEM
(St. Mary’s College Of Meyc.)


Ang pagigigng Stem student ay hindi madali dahil nahihirapan kami sa aming mga asignatura, Pinepressure kami ng aming mga guro, dahil kami nga ay STEM dapat palaging maganda at tama ang ginagawa namin. Pero sa lahat ng suliranin na aming kinakaharap ginagawa pa rin namin ang aming mkakaya para maintindihan ang mga topic at maabot ang standard ng aming mga guro.”
-          -Divine Erica Montaos Gr.11 STEM
(University of the East Caloocan)



TRIBYA

   Pinagsasamaang award-winning nakurikulum ng K12 na may mga pambihirang guro, isang kamangha-manghang koponan ng suporta, at isang indibidwal na plano ng pag-aaral para sa bawat mag-aaral, ang K12 International Academy ay nagpapatakbo ng isang kumpletong programa na angkop sa pagtulong sa iyong anak na matuto sa isang na babaluktot at makabagong paaralan.

      Sa totoo lang, ang mga estudyante ng Asya ay nagpakita ng kasaysayan ng pinakamataas na antas ng interes sa mga patlang ng STEM. Bago ang 2001, ang mga mag-aaral ng African-American na background ay nagpakita din ng mataas na antas ng interes sa STEM fields, pangalawa lamang sa demograpikong Asian. Gayun paman, mula noon, ang interes ng Aprikano-Amerikano sa STEM ay bumaba nang higit na mas mababa kaysa sa ibang etniko. Kabilang sa iba pang mga etnikong may mataas na interes sa STEM ang mga estudyante ng Amerikanong Indian.

      Ang mga trabaho  ng STEM ay hindi lahat ay nangangailangan ng mas mataas na edukasyon o kahit degree sa kolehiyo. Mas mababa sa kalahati ng  mga trabaho sa antas ng entry STEM ay nangangailangan  ng  isang bachelor's degree o mas  mataas. Gayun  pa man, ang apat na taong antas ay kapaki-pakinabang sa suweldo – ang karaniwang na-advertise na panimulang suweldo para sa mga trabaho sa antas ng entry STEM na may pangangailangan sa bachelor ay 26 porsiyento na mas mataas kaysa sa mga trabaho sa mga di-STEM field, ayon sa ulat ng STEM connect. Para  sa bawat  job posting  para  sa isang  bachelor's degree recipient sa isang non-STEM field, mayroong 2.5 entry-level na pag-post ng trabaho para sa isang bachelor degree recipient sa isang STEM field.


            

11 comments:

  1. Magandang araw po. Nais ko lang po sanang hingin ang inyong pahintulot, kung pwede ko po bang kunin ang iyong gawa at gamitin para sa aming pananaliksik bilang parti ng aming kaugnay na pag aaral o literatura? Kung inyo po sanang mamarapatin ay gusto ko pong alamin ang inyong pangalan. Maraming salamat po.

    ReplyDelete
  2. Anong pangalan ng blogger po??

    ReplyDelete
  3. Maaari po bang malaman Kung ano pangalan niyo?

    ReplyDelete
  4. maaari po bang malaman kung ano ang iyong pangalan sir/maam para sa aming pananaliksik at sana po ay okay lang po na gamitin po namin ito

    ReplyDelete
  5. Magandang araw po. Maaari po ba naming hingin ang inyong pahintulot upang magamit ang blog na ito sa aming pananaliksik. Kung inyo pong mamarapatin ay nais po naming malaman kung ano po ang inyong pangalan. Salamat po at Godbless.

    ReplyDelete
  6. Magandang araw po. Maaari po ba naming hingin ang inyong pahintulot upang magamit ang blog na ito sa aming pananaliksik. Kung inyo pong mamarapatin ay nais po naming malaman kung ano po ang inyong pangalan. Salamat po at Godbless.

    ReplyDelete
  7. Pwede ko po ba malaman kung pwede ito gamitin sa akademikong sulatin? Tapos ano po pangalan ng may akda?

    ReplyDelete
  8. Maaari po bang malaman kung ano ang iyong pangalan at hingin ang inyong pahintulot upang magamit ang blog na ito sa aming pananaliksik?

    ReplyDelete
  9. matchpoint matchpoint fun88 soikeotot fun88 soikeotot ボンズ カジノ ボンズ カジノ gioco digitale gioco digitale 11bet 11bet fun88 fun88 dafabet dafabet 온카지노 온카지노 카지노 카지노 クイーンカジノ クイーンカジノ 453

    ReplyDelete
  10. Hello po, ako po ay isang stem student. Itatanong ko lang po sana kung pwede bang maging isang guro sa sekondarya ang isang stem graduate?

    ReplyDelete

K-12

Ang programang K-12 ay nilagdaan ni dating pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Cojuanco Aquino III sa Pilipinas noong taong 2012. “K” na ang ...